Words Left Unspoken

The hardest thing to understand are the words left unspoken.

A Letter of a Hopeless Romantic to Her Special Someone…to be. :)

on May 4, 2014

Hi! Uh, kumusta? Alam mo ba, I really wonder when I am really gonna meet you. Pero to be honest, hindi ako ganong nae-excite. Well, siguro noon oo, pero ngayon e parang hindi na rin gaano. Hehe. Siguro dahil mas matured na ako sa isip, sa salita at sa gawa. Haha! I am actually thankful that I haven’t met you yet. You want to know why? Because I want to meet you pag ready na ako. Ready financially, emotionally, socially, at syempre, spiritually. San ikaw din, ganun. Sana hindi ka pa rin masyadong excited na makita ako. Alam mo na, baka kasi sa sobrang pagka-excite e magkamali tayo. I am actually wondering what you are doing right now. Are you also thinking of me? Hehe. Are you also writing a blog about your future special someone? Nakakatuwa namang isipin. Hehe. Wag ka munang magpapakilala sa akin, huh. Saka na lang muna. I know in God’s perfect time, parehas nating malalaman pag malapit na nating makilala ang isa’t-isa o kung kelan natin dapat ipaalam sa isa’t-isa na parehas tayo ng nararamdaman.

Alam mo ba, nanuod ako ng MMK one time, the story was about a girl and a guy who have their “happiness formula.” Ito ang formula nila, HAPPINESS=LOVE+TIME+EFFORT. Well, wala naman akong anything na against doon. I just have a better one in mind and here it is: HAPPINESS=LOVE+TIME+EFFORTx2/GOD. LOVE plus TIME plus EFFORT multiplied by the COUPLE (2) divided by and into GOD. The couple’s love, time and effort should all be divided to God. Do you agree with me? Do we have the same idea? I believe that every couple’s happiness formula should include God. Dapat isama nila si God sa formula nila para mas masaya! Hindi ba? Alam mo bang ipinapanalangin ko na sana e parehas tayo ng views pagdating sa pananampalataya? Sana isa ka sa mga taong magdadala sa akin para maging mas malapit sa Panginoon. O kung hindi man, nawa’y ako ang maging tulay mo patungo sa Kanya. 🙂

Gusto kitang makilala sa panahong itinakda Nya. Paano kaya tayo magkakakilala? Magkakilala na kaya tayo? Close friend ba kita o isa ka sa mga taong minsan ko lang nakasalamuha? Nakasabay na kaya kita sa jeep o minsang nakabangga sa mall? Natarayan na kaya kita? O isa ka sa mga taong parati kong nginingitian? Haha! Nakakapraning isipin! Pero paano man tayo nagkakilala o magkakakilala, nagpapasalamat ako sa Diyos kasi hindi pa rin kita kilala bilang IKAW na muling magpapatibok ng puso ko. 🙂

Gusto kong malaman mo na hindi ako perpekto. Ngayon pa lang, binabalaan na kita. Haha! Napakarami kong flaws — physically, emotionally at maging socially. Maputi ako pero hindi maganda, masayahin pero may pagka-topakin at friendly pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay sociable. Pero anu’t-anuman ang mga maging kakulangan ko, alam kong nandyan lang lagi ang Panginoon para paalalahan tayong dalawa na sa isang relasyon, hindi lang ako, hindi lang ikaw, hindi lang tayong dalawa kundi tayong tatlo — ikaw, ako at Sya, bilang gabay, pundasyon at sandigan. SIYA nawa ang maging sentro ng kung anumang relasyon ang mabuo sa ating dalawa. I also didn’t come from a Christian family so I pray that it wouldn’t be an issue between the two of us. I love my family a lot and though we have different religious views, I know that in the bottom of our hearts, we praise and give glory to Jesus Christ, the Son of God. 

Maging partners nawa tayong dalawa hindi lang sa pag-gala, pagkain at paggawa ng mga hilig natin kundi maging sa paggabay sa mga kabataan sa church na dinadaluhan nating dalawa. Magsilbi nawa tayong dalawa bilang mga ate at kuya nila na pwede nilang gawing inspirasyon sa kung anu-ano. Maging mga mabubuting halimbawa nawa tayo sa kanila para patuloy silang lumapit at magpuri sa Panginoon. Magsilbi rin nawa tayong mga kaibigan na pagkakatiwalaan nila ng mga bagay-bagay para makapagbigay din tayo ng payo na tutulong sa kanila sa mga desisyon, malaki man o maliit, na dapat nilang gawin. 

Oh pano, hanggang dito na lang muna? Sana nabasa mo rin yung unang sulat ko. Pero kahit naman dimo pa nababasa yon, pagdating ng tamang panahon, ipababasa ko rin iyon sayo. See you in God’s time! Ingatan mo sarili mo ha, mamahalin pa kita! Naks! 😛

God bless you, Honey…to be. 🙂 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: