Words Left Unspoken

The hardest thing to understand are the words left unspoken.

I’m Not Missin’ You At All (New Chapter of this Blog)

on February 14, 2014

Hey yow! It has been a long while since I last posted in this blog. Hindi ko alam kung masyado lang ba akong naging tamad o naging busy. Hehe! It’s the 14th of February and everyone seems like having their best day ever. Habang ako, eto, nasa kwarto, nakikinig ng mga kanta ng MYMP at nagsusulat. In short, nag-e-emote. Ni hindi ko nga alam kung may tao bang makakabasa at makakaintindi dito sa mga sinusulat ko e. Since halos lahat ngg nag-follow sakin at finollow ko dito sa WordPress e foreigners. Anyway, okay lang kung anuman. Ang importante e mailabas ko tong nararamdaman ko. Ang sakit kasi e. Nasaktan ako at nasasaktan pa rin hanggang ngayon. Grabe, ‘di ko inakala na ganito pala yung magiging impact nya sakin. I kept on telling my friends that I am okay to only prove something to myself — I can fool them but not the person sitting in front of this laptop and writing her heart out. Ang sakit. He is now happy with his girl and I am indeed happy for him as well. Pero kahit pala sabihin mong tanggap mo na, dimo pa rin maiiwasang masaktan, ano? Akala ko kakampi ko ang universe e, pero mukang hindi pala. O sana, ngayon lang hindi. Hehe. (Oo, umaasa pa rin ako). 

Naramdaman ko na naman yung sakit na naramdaman ko noon. Yung makikita mo yung taong mahal mo na masaya kasama yung mahal nya. Grabe lang. Hehe. Nakakatawa ang takbo ng universe. Gusto ko ulit syang maka-usap, maka-chat ng matagal, maka-skype. Gusto kong bumalik yung dati. Gusto kong malaman nya kung gano ako nasaktan sa ginawa nya. Oo, hindi naging kame. Hindi sya nanligaw. Siguro nga para sa kanya magkaibigan lang talaga kame. Ako lang ba talaga ang umasa? Well, di naman ako galit e. Pero hinding-hindi ko itatanggi na nasaktan ako. SOBRA. At hanggang ngayon, ay nasasaktan pa rin. 😦 Bakit ganun? I kept on asking myself as well as this universe…why? Why not? 😦

Akala ko the feeling was mutual. Nakakatawa. Akala ko lang pala. HAHA! Masyado ko lang sigurong binigyan ng pag-asa yung sarili ko. Masyadong na-overwhelm sa attention na binigay nya. Sa oras, kahit na kaunti lang. Sobra kong na-appreciate yung mga bagay na pinakita nya. All those midnight conversations over Skype at good-morning-ingat-ka-pagpasok chats through Facebook, wala lang pala lahat sa kanya yun. My goodness. Sino nga ba naman kasing pipili ng relasyon na malayuan? Oh, c’mon! Wala naman sigurong taong maghahanap ng sakit ng ulo, diba? Ako lang. Hehe. I tried and I hoped na baka mag-work. I thought it would. I hoped that it would. Kaso, #failed. 

Pero kahit na ano pa mang mangyari, life must go on. Di naman titigil ang buhay dahil lang may taong tapos na (siguro) ang role sa buhay ko. Di naman sya hihinto, lilingon, at babalik dahil lang nadapa ako kasi may iba na syang kasabay maglakad. Nagkataon lang siguro na sadyang mas maswerte lang sya kesa sakin. Mas mabilis sigurong maglakad yung isang yun at mas maingat kaya hindi nadapa. HEHE. LIfe must go on. Saka sabi nga rin nila, if you love someone, you have to set him free. Pero teka, how are you going to set someone free if in the first place, you haven’t even gotten hold of him? Haha! Tama pa ba grammar ko? 

Akala ko hindi ako iiyak ng ganito dahil sa kanya. Akala ko okay na yung iniyak ko nung araw na bumulaga sa News Feed ko na sila na. Akala ko okay na ko nung lumabas ako at nag-milktea kasama yung friend ko. Akala ko nailabas ko na lahat ng sama ng loob ko. Akala ko ubos na kakakwento ko. Akala ko kaya kong lokohin yung sarili ko. Puro akala. Akalang mali naman pala.

Akala ko tapos na ko sa phase na gigising na namumugto ang mga mata. Hindi pala. At mukang hindi mangyayari yun. Dahil hangga’t nagmamahal ka, masasaktan at masasaktan ka.Muntik ko nang makalimutan na package deal nga pala yun. Pero gaya nga ng sabi ko kanina, life must go on. In fact, I should be thankful kasi marunong akong makaramdam, magmahal, masaktan. Sabi nga nila, YOLO – You Only Live Once – kaya sulitin mo na. Oh, sa dami ng emosyon na naramdaman ko na, muka namang maususulit ko ang stay ko dito sa mundo. 🙂

Osya, to you who spent some time reading this, thank you! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: